Tuguegarao City- Inirekomenda ni 3rd District Board Member Mila Lauigan ang pagpasa sa resolution kaugnay sa pagtatayo ng rescue center para sa mga alagang hayop sa panahon ng kalamidad.

Ito ay bilang tugon upang makaiwas sa malalang epekto ng mga kalamidad sa pagkalugi sa livestock.

Ipinunto ni Lauigan na kadalasan sa nagiging problema sa mahirap na pagpapalikas sa mga maaapektohan ng kalamidad ay ayaw iwanan ang kanilang mga alaga.

Sa pamamagitan aniya nito ay masisiguro ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang matinding pagkalugi ng mga magsasaka at may-ari ng mga alagang hayop.

Ayon kay Lauigan ay malaki ang pakinabang ng mga magsasaka sa kanilang mga alagang hayop dahil isa ito sa ginagamit sa agrikultura at iba pang pangkabuhayan.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, isinusulong din nito ang pagkakaroon ng quick response team sa bawat barangay sa probinsya na maaaring matawagan para sa mas madaling koordinasyon.

Layunin din nito na tutukan hindi lamang ang pagresponde sa panahon ng kalamidad kundi kasama na ang madaling pagtugon tuwing may mga kaguluhan sa sakop na mga lugar.