Tuguegarao City- Isinusulong ni 3rd District Board Member Rodrigo De Asis ang isang resolution na naglalayong hikayatin ang Civil Service Commission na pag-aralan ang recruitment process sa mga nagnanais pumasok sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sinabi ni De Asis na isa sa nakapaloob sa resolution ang pagtanggal sa written examination na isang requirement bago makapasok ang aplikante.
Paliwanag nito, sapat na sana ang pagiging degree holder, Civil Service Eligible at licensed professional para maqualify ang isang aplikante na hindi na kailangang dumaan pa sa mas madami pang pagsusulit.
Bukod pa aniya rito ang pagkakaroon ng good moral character at pagpasa sa neuro, medical exam at iba pa dokumentong kailangang isumiti ng isang aplikante.
Sinabi pa nito na naghain na rin ng kahilingan ang tanggapan ng BFP Region 2 upang kumbinsihin din ang nasabing tanggapa na luwagan ang recruitment.
Ayon kay De Asis ito rin ay isang magandang hakbang upang tugunan ng pamahalaan ang kakulangan ng mga personnel na pangunahing tumutulong sa panahon ng mga sakuna at maging ngayong nararanasan ang epekto ng pandemya.
Umaaasa naman ang opisyal na magiging maganda ang pagtugon ng CSC sa kanilang isinusulong.
Samantala, inaprubahan na rin aniya ng sanguniang panlalawigan members ang inihaing oridnansa na naglalayong bigyan ng P1,000 na insentibo ang mga uniformed personnel na tumutulong ngayong pandemya.
Hinihintay na lamang na aprubahan ito ni Governor Manuel Mamba upang mabigyan din sila ng konting tulong ngayong pandemic dahil sa kanilang sakripisyo na labanan ang pagkalat ng sakit.