TUGUEGARAO CITY- Pansamantalang ipinasara ng Tabuk City government ang lahat ng mga resorts at tourist attractions sa lungsod para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa inilabas na kautusan ni Mayor Darwin EstaƱero, epektibo kahapon, August 20 ay sarado muna ang

lahat ng mga pasyalan at hotel sa lungsod.

Inatasan din ng alkalde ang monitoring team na mag-inspeksyon sa lahat ng mga establisyimento at pook

pasyalan para masiguro na walang mass gathering na nagaganap sa naturang mga lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nasa High Epedemic Risk Level ang buong lalawigan ng Kalinga dahil sa patuloy na pagdami

ng naitatalang nagpopositibo ng virus.