
Inalis na ng Office of the Ombudsman ang restrictions sa public access to the Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga public officials.
Ang tinanggal na restriction ay para sa mga government officials, kasama na ang bise presidente at presidente.
Ngayong hapon ay inilabas na ng Ombudsman ang guidelines sa public access ng SALN.
Magiging epektibo ito 15 araw matapos ma-publish ang guidelines.
Ayon kay Assistant Ombudsman at Spokesperson Atty. Mico Clavano, ang desisyon ay dahil karapatan ng publiko na malaman kung paano nakuha at ginagamit ng mga nasa gobyerno ang kanilang yaman.
-- ADVERTISEMENT --
Hindi naman kasama sa public access ng SALN ang mga miyembro ng Kongreso at Senado.