Inaasahang mailalabas na sa susunod na linggo ng Commission on Elections ang resulta ng kanilang imbestigasyon laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, binigyan ng dalawang linggo ang fact-finding committee para taousin ang imbestigasyon.

Sinabi ni Garcia na posibleng lumabas sa susunod na linggo ang fingerprint analysis ni Guo.

Kasabay nito, tiniyak ni Garcia na mabibigyan ng pagkakataon si Guo na maipagtanggol ang kanyang sarili sa anomang magiging resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ng fact-finding committee.

Matatandaan na ipinag-utos ni Garcia na imbestigahan kung may nagawa si Guo na material misinterpretation sa kanyang kandidatura noong 2022 elections.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Garcia na ito ang magiging basehan sa paghahain ng election offense laban kay Guo.