Manindigan para sa katotohanan at huwag magpadikta sa sinuman.

Ito ang binigyang diin ni retired Archbishop Sergio Utleg sa kaniyang pagninilay sa instalasyon ni Archbishop Ricardo Baccay ng Archdiocese of Tuguegarao na ginanap sa St. Peter and Paul Cathedral.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Utleg na mahalagang gamitin ang Ebanghelyo at mabuting balita ng Diyos upang maisulong ang pagkakaisa at kapayapaan.

Kaakibat din ng pagkakahirang kay Baccay bilang bagong Arsobispo ang mga banta sa buhay kaugnay sa mga suliranin na kanyang kaharapin.

Kapwa aniya ipakita ang suporta sa gubyerno at mga aktibista at pakinggan ang bawat isa nang walang kinikilingan at gampanan ang tungkulin bilang ‘mediator’ na naaayon sa kalooban ng Diyos.

-- ADVERTISEMENT --

Sa huli, ipinaalala ni Utleg sa bagong Arsobispo na maging mapagpakumbaba at palakaibigan.

Si dating Alaminos, Pangasinan Bishop Baccay ay pormal nang umupo bilang ika-apat na Arsobispo ng Archdiocese of Tuguegarao nitong January 14, 2020.

Si Baccay ay ipinanganak noong 1961 sa Tuguegarao at inordinahan bilang pari noong 1987 habang noong 2007 ay naitalaga siya bilang auxillary bishop ng Tuguegarao.