Inaresto si Ret. Major General Romeo Poquiz, dating Air Force general sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) batay sa arrest warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 sa kasong inciting to sedition na inihain sa Department of Justice.

Nag-ugat ang kasong isinampa laban kay Poquiz sa kanyang mga pahayag sa social media na komokondena sa korapsyon sa pamahalaan, partikular ang mga maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Poquiz at ang kanyang grupo na may pananagutan din si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa flood control scam batay sa command responsibility.

Una rito, sinabi ng Partido Demokratiko Pilipino ang plano na pag-aresto kay Poquiz, kilalang kritiko ng Marcos administration at founder ng United People’s Initiative, grupo ng mga retiradong military officers.

Nagsagawa ang grupo ng protest rally sa People Power Monument sa Edsa nitong buwan ng Nobyembre para kondenahin ang mga maanomalyang flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --

Inaresto si Poquiz sa NAIA Terminal 3 kasunod ng kanyang pagdating mula sa Bangkok, Thailand kaninang umaga.