Pinabibilisan na ni Conner, Apayao Mayor Martina Dangoy ang konstruksyon ng retaining wall para sa dalisdis ng bundok sa Sitio Gassud, Barangay Karikitan kung saan nahulog ang elf truck na ikinasawi ng 19 na katao at ikinasugat ng 21.
Ayon sa alkalde, inatasan na niya ang contractor na tapusin ang inumpisahang konkretong istruktura bilang pangharang sa bangin at maiwasan ang pagbagsak ng lupa na bahagi ng kalsada.
Matatandaang bumagsak ang trak sa mga itinarak na bakal para sa retaining wall sa ilalim ng bangin.
Nakiusap rin si Dangoy sa lahat ng motorista na iwasan ang overloading at magdoble ingat sa pagmamaneho.