Tugeugarao City- Huli ang isang retiradong pulis na dating kapitan ng barangay na itinuturing na No. 5 top most wanted sa national level sa listahan ng Highway Patrol Group ng National Headquarters dahil sa kasong carnapping.

Ito ay matapos na isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest na inilabas ng korte laban kay Job Lapitan mula sa Solano, Nueva Vizcaya matapos ang siyam na taong pagtatago nito sa batas.

Sa panayam kay PCAPT Jet Sanyo, hepe ng PNP Solano, 2012 nang tangayin ng retiradong pulis, kasama ang tatlong iba pa na at large ang sasakyan ng isang abugado.

Batay aniya sa salaysay ni Lapitan, una na silang nakapagbigay ng bayad at nagawan pa ito ng deed of sale na hawak ng abugado ngunit hindi ibinigay ang sasakyan sa kanila kaya’t kinuha nila ito ng walang pahintulot sa nagbenta.

Bukod dito ay isinilbi rin ng pulisya ang nakabinbing warrant of arrest laban sa akusado dahil sa kasong illegal possession of explossives at slight physical injury.

-- ADVERTISEMENT --