
Dead on the spot ang isang retiradong sundalo na kinilalang si Retired Col. Leonardo Songcaya matapos tambangan ng di pa tukoy na mga suspek sa Purok Anthurium, Poblacion malapit lamang sa boundary ng Kidama, Matalam, Cotabato.
Sa ulat, sakay ng kanyang Navarra Pick-up si Songcaya nang parahin umano ito ng mga armadong kalalakihan ska pinagbabaril gamit ang M16 rifle at cal .45 pistol.
Dagdag pa, tila ba planado aniya ang pagpaslang sa kanya subalit wala pang matukoy na motibo.
Si Songcaya ay siyang tumatayong Presidente ng Cotabato Provincial Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAP) at Kidama Communal Irrigators’ Association (KCIA).
Hustisya naman ang sigaw ng kaanak ng biktima.
-- ADVERTISEMENT --






