Ibinalik ng isang retiradong judge ang Golden Pillar of Law Award na ibinigay sa kanya ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) bilang pagpapakita ng pagkadisymaya at pakasuklam matapos na malaman na nakatanggap ng parehong pagkilala si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa sulat na ibinigay kay IBP national president Atty. Allan Panolong, sinabi ni retired Judge Meinrado Paredes na habang kinikilala niya ang parangal, nagpasiya siya na ibalik ang plaque dahil sa naniniwala siya na hindi pinangatawanan ni Duterte ang mithiin ng hustisya, integridad at rule of law.
Isa si Paredes sa maraming abogado na bumatikos sa desisyon ng IBP na bigyan ng nasabing award si Duterte.
Itinuring ng isang organisasyon ng human rights lawyers ang nasabing hakbang ng IBP na pangungutya sa libo-libung indibidual na pinatay sa war on drugs at nawalan ng pagkakataon na idepensa ang kanilang mga sarili sa korte.
Gayunman, ipinagtanggol ng IBP Davao Chapter ang nasabing award, at iginiit na naabot ni Duterte ang mga kuwalipikasyon para siya ay kilalanin.