Pormal ng naghain ng kaniyang kandidatura sa pagka-gobernador si Retired PNP Chief Edgar Aglipay ng One Cagayan.

Sinamahan siyang maghain ng certificate of candidacy ng kaniyang maybahay na si Marinette, Gov. Manuel Mamba at mga supporters.

Sa kaniyang pahayag matapos maghain ng coc, binigyang diin ni Aglipay na hangarin niyang pag-isahin ang mga lideres para mas mabilis na maisulong ang progreso sa buong lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa kaniya na kung sakaling maupo sa kapitolyo ay gagamitin niya ang kaniyang karanasan noong siya ang PNP chief para sa kapayapaan at development ng lalawigan.

Dagdag pa niya na tutukan niya ang pangkabuhayan ng mga magsasaka para matiyak ang kanilang kita.

-- ADVERTISEMENT --

Naghain din ng kandidatura ang kanilang kaalyado na tatakbo sa pagka-kongresista sa unang Distrito ng Cagayan na si incumbent Lal-lo Mayor Florante Pascual, Allacapan Mayor Harry Florida ng Segunda Distrito at dating congressman Randy Ting bilang kinatawan naman ng ikatlong Distrito.

Binigyang diin ni Pascual na prayoridad niya na isusulong ang batas na magbibigay proteksiyon sa mga mangingisda, magsasaka at brgy workers kung manalo siya bilang kongresista sa unang Distrito Cagayan habang si Florida ay tutukan ang proyekto na may kaugnayan sa post-harvest facilities bilang kasagutan sa mga nasisirang aning produkto ng mga magsasaka kung mayroong kalamidad.

Saad naman ni dating Congressman Ting na sisiguraduhin niya ang good governance at maayos na implementasyon ng mga proyekto na makakatulong sa mga mamamayan para hindi masayang pera ng taong bayan kung muli siyang malukluk bilang kinatawan ng ikatlong Distrito ng Cagayan.

Nagsumiti rin ng kanilang kandidatura ang kaalyado ng One Cagayan sa pagka-board member sa unang Distrito na sina dating Baggao Mayor Joan Dunuan at incumbent BM Atty. Romeo Garcia, habang sa Segunda Distrito ay si Lalaine OpeƱa samantalang sa ikatlong Distrito ay sina dating Tuguegarao City Councilor Raymund Guzman, Dating Vice Mayor Engelbert Caronan, Romar De Asis at Pearlita Lucia Mabasa.

Naghain na rin ng coc ang kanilang kaalyado sa Tuguegarao City sa pangunguna ni Mayor Maila Ting-Que na muling sasabak sa pagka alkalde at ang kanilang city councilor aspirants na sina LP Ong, Myrna Te, Lope Apostol Jr, Anthony Tuddao, Lorenzo Tumaliuan, Emilio Matanguihan Jr, Freddie Natividad, Ruben Borleo, Joyce Valdepenas at John Escobar.

Naghain rin ang running mate ni Mayor Ting-Que na si incumbent City Councilor Arnel Arugay para sa pagkabise alkalde.

As of 2pm ngayong araw, kabilang din sa mga naghain ng kanilang kandidatura ay sina Joaquin Agatep jr (Independent), Reymar Desiderio (Independent) na kapwa tatakbo sa pagka-board member ng unang Distrito ng Cagayan at Atty. Noel Mora na sasabak sa pagka-konsehal ng lungsod ng Tuguegarao.