Dumating na sa Quezon City Jail Male Dormitory si dating Sen. Bong Revilla, Jr. kung saan siya pansamantala ikukulong.

Sunod-sunod ang dating ng mga convoy ng mga sasakyan galing sa Sandiganbayan kung saan siya humarap sa mga mahistrado at naglagak ng piyansa sa hiwalay niyang kasong graft.

Mismong mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang sumundo kay Revilla para dalhin sa jail dormitory.

Mag-isa lang si Revilla sa isang kulungan dahil may isa pa umanong bakante.

May mahigit tatlong libong Person Deprived of Liberty (PDL) sa naturang jail facility.

-- ADVERTISEMENT --

May 100 pesos per day na budget sa pagkain ang bawat PDL kasama na ang almusal, tanghalian at hapunan.

May 200 naman na jail personnel na magbabantay sa seguridad ng jail facility kada shift.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong graft at malversation kaugnay ng ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.