Binabalak ngayon na dagdagan pa ang reward money na inilaan para mahanap ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na sa mahigit 10 raids na isinagawa ng mga otoridad ay bigo pa ring mahanap si Ang.

Dagdag pa ng Kalihim na kapag naubusan na ito ng pasensiya ay tuluyan niyang dadagdagan ang reward money.

Magugunitang may patong na P10-milyon na inilaan para mahanap si Ang na siyang itinuturong utak sa pagkawala ng mga sabungero.