Maraming rewards at pledges ang naghihintay para kay Carlos Yulo, ang kauna-unahang Filipino na nakakuha ng dalawang gold medals sa 2024 Paris Olympics matapos na dominahin ang men’s floor exercise at vault apparatus sa artistic gymastics.

Kabilang sa mga rewards na matatanggap ni Yulo ay cash incentives mula sa national government.

Sa ilalim ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act (RA 10699), ang atleta na mananalo ng medalya sa international sports competitions ay makakatanggap ng cash incentives depende sa kanilang rankings.

Ang cash incentives para sa individual events ay P10 million para sa gold medalists; P5 million para sa silver medalists; at P2 million para sa bronze medalists.

Magbibigay din ang House of Representatives ng P3 million kay Yulo.

-- ADVERTISEMENT --

Gagawaran din ng Olympic Gold Medal of Valor mula sa Philippine Sports Commission (PSC) si Yulo.

Nangako din ang the Philippine Olympic Committee na magbibigay ng house and lot para sa gold medalists.

May naghihintay din na condominium unit para kay Yulo mula sa isang property development firm.

Ito ay bukod sa pangakong cash incentives at iba pang reward para kay Yulo ng ibang pribadong kumpanya.

Ang nasabing incentives ay para sa isang gintong medalya lamang at posibleng madagdagan pa ito dahil sa dalawang gold medals ni Yulo.