Nasungkit muli ng Rural Improvement Club (RIC) Ballesteros ang kampeonato sa isinagawang exotic food fest 2024 bilang bahagi sa nagapatuloy na selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan.

Naiuwi nila ang premyong P30k bilang first prize, ikalawang puwesto naman ang RIC-BUGUEY na may premyong P25,000; 3nd place ang RIC Tuao na tumanggap ng P20,000.

Tumanggap din ang mga pasok sa top 7 finalist ng tig P7000 na kinabibilangan ng Agkaykaysa Sto. Niño, Agkaykaysa Gattaran, RIC Amulung, RIC Iguig, Agkaykaysa Iguig, Agkaykaysa Baggao, at 4-H Club Sta. Ana

Matatandaang, nasungkit din ng RIC Ballesteros ang panalo noong nakaraang taon, kung saan kabilang sa kanilang inilaban na putahe ay ang sisig salagubang at crispy frog kare-kare.

Bukod dito, nabigyan din ng tig-P5,000, token, at Plaque of Appreciation ang 45 contenders ng food fest na mula sa ibat ibang bayan ng cagayan

-- ADVERTISEMENT --

Maliban dito, nagkaroon din ng Exotic Food Eating Contest, kung saan nagwagi si Melchor Tuluan ng Tuao na may premyong P15,000; pangalawa si Agustin Addatu ng Tuguegarao City na may premyong P10,000; at 3rd place sina Marryrose Corpuz ng Sta. Teresita at Manuelito Geron ng Allacapan na may tig-P3,000.

Sa naging mensahe ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa naturang aktibidad, ang mga exotic food na matatagpuan sa mga palayan, gulayan, at bakuran ng mga magsasaka ay bahagi ng turismo sa Cagayan at maaari umano itong gawing negosyo at hanapbuhay.

Ayon pa kay Mamba, mahalagang maging mapamaraan ang mga Cagayano sa lahat ng aspeto lalo na sa pagbuo ng mga produktong pwedeng ipakilala at ibenta sa iba’t ibang lugar sa bansa at maging sa ibang bansa upang makatulong ito sa pag-unlad ng lalawigan.

aniya ang mga produkto ng mga organisasyon ng RIC, 4-H Club, at Agkaykaysa ay isang paraan upang magtulungan at magkaisa para sa ikabubuti at ikauunlad ng bawat isa.

Kaugany nito ay binigyang diin naman ni Provincial Agriculturist Pearlita Mabasa ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng nasabing aktibidad dahil malaki aniya ang tulong nito sa mamamayan lalo na sa mga magsasaka na laging problema ang peste sa kanilang mga sakahan.