Sumang-ayon ang rice industry stakeholders na itakda ang buying price ng wet at dry palay sa P17.00 at P21.00 per kilo batay sa pagkakasunod.

Sinabi ni Agriculture spokesperson Arnel de Mesa na ipatutupad ito sa maraming lugar hanggang sa peak ng anihan sa buwan ng Abril.

Ayon kay De Mesa, sisikapin na bibilhin ang mga palay sa nabanggit na mga halaga lalo na sa mga millers sa Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Bulacan, Ilocos, Central Luzon hanggang sa peak ng anihan.

Ipinaliwanag pa ni De Mesa na sa pamamagitan ng nasabing presyo ng palay, matitiyak ang matatag na presyo ng bigas sa merkado.

Samantala, sumang-ayon din ang rice industry stakeholders na magdadala sila ng hanggang 300,000 metric tons ng imported rice.

-- ADVERTISEMENT --

Sa record noong Enero 15, nasa 178,000 metric tons ng imported rice ang pumasok sa bansa, at inaasahan ang pagdating ng natitirang alokasyon sa susunod na buwan.

Ito ay upang matiyak na hindi sasabay ang imported rice sa panahon ng anihan.