Nanindigan ang grupong Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na ang Rice Tariffication Law (RTL) ang ugat ng pagbagsak ng presyo ng palay sa bansa.
Ayon kay Orly Manuntag, co-founder ng PRISM, tinutulan nila ang RTL noong tinatalakay pa ito sa Senado at Kamara de Representantes hanggang sa isabatas noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kamakailan lamang ay inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang suspensiyon ng importasyon ng bigas at pagbabalik ng 35% taripa.
Gayunman, ang suspension lamang ng rice importation ang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.