Tuloy ang pagluluksa ng Philippine showbiz dahil isa pang beteranong aktor ang binawian ng buhay.
Si Ricky Davao o Frederick Charles Caballes Davao sa tunay na buhay, ay binawian ng buhay sa edad na 63 dahil umano sa isang terminal disease.
Si Ricky ay dating asawa ng aktres na si Jackie Lou Blanco.
Meron silang tatlong anak na sina Kenneth, Arabella, at Rikki Mae.
Bago ang pagkamatay ni Ricky, pumanaw sina Pilita Corrales na ina ni Jackie Lou na sinundan ni Nora Aunor at Hajji Alejandro.
-- ADVERTISEMENT --
Malungkot ang pasok ng taong 2025 sa Philippine Cinema dahil January ay nauna namang yumao si Gloria Romero, sinundan ito ni Matutina noong Pebrero at Delia Razon noong Marso.