Sugatan ang isang 22-anyos na rider nang sumalpok ang kanyang minanehong motorsiklo sa L200 van sa
bayan ng Amulung, Cagayan.
Nagtamo ng bali sa dalawang paa ang rider na patuloy na ginagamot sa pagamutan nang aksidente itong bumangga sa van na minaneho ng isang 29-anyos na lalaki, kapwa residente sa Western Amulung.
Ayon kay PMaj Jose Cabaddu, hepe ng PNP- Amulung, ganap na alas- siete ng gabi nitong Linggo, ika-9 ng Pebrero nangyari ang aksidente sa madilim na bahagi ng Provincial road sa Brgy Annabuculan.
Dahil umano sa bilis ng pagmamaneho, hindi nakontrol ng driver ng motorsiklo ang kanyang manibela hanggang sa napunta sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa kasalubong na van.
Sa lakas ng pagkakabangga sa kaliwang bahagi ng van, nagtamo ng multiple injuries ang rider habang nabasag ang windshield ng sasakyan at nayupi naman ang motorsiklo.