Pinaghahanap na ng mga otoridad ang riding-in-tandem suspect na bumaril-patay sa isang 55 anyos na lalaki sa Brgy.Centro Sta.Ana, Cagayan.

Kinilala ni Pcapt Ranulfo Gabatin, chief of police ng Sta.Ana Police Station ang biktima na si Erdy Reolalas, hollow block maker at residente sa nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa tapat na ng pintuan ng kanilang bahay ang biktima galing sa pamimili ng rekado ng niluluto nito nang pagbabarilin ng mga salarin.

Dahil dito nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng pinaniniwalaang caliber 45 sa itaas ng kanyang mata at sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang tumakas ang mga suspect gamit ang kanilang motorsiklo habang sinaklolohan naman ang biktima ng kanyang asawa ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay kay Reolalas.