Isinasailalim na sa imbestigasyon ang dalawang lalaki na nahuli ng mga awtoridad na suspek sa pamamaril-patay sa kagawad ng Barangay Angang, Tuao, Cagayan kahapon ng umaga.

Sinabi ni PCAPT Shiela Joy Fronda, information officer ng Cagayan PNP, Sinabi ni PCAPT Shiela Joey Fronda, na ito ay matapos na sabihin ng dalawa na sina alyas Aries at John, kapwa residente ng Zamboanga del Norte na hindi sila bumaril patay kay kagawad Rodrigo Dupitas.

Ayon sa dalawa, napagkamalan lamang sila dahil sa nagtugma ang kanilang kasuotan at helmet sa CCTV footage ng mga suspek.

Ayon sa dalawa, collector lamang sila at inatasan na mangolekta sa nasabing bayan kahapon.

Sinabi ni Fronda na nahuli ang mga ito sa Barangay Bagumbayan kahapon ng hapon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Fronda, sa kanilang pakikipag-usap sa asawa ng biktima, sinabi niya na may isang tao na nakaalitan ang kanyang asawa na hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan.

Sinabi ni Fronda na iniimbestigahan nila ang lahat ng anggulo ng nasabing krimen, maging ang dahilan kung bakit nasa bayan ng Tuao ang mga suspek na galing pa sa Mindanao.

Ayon pa kay Fronda, nakatulong sa mabilis na pagkakahuli sa mga suspek ang CCTV sa lugar.

Matatandaan na galing ang biktima kasama ang kanyang asawa sa palengke at namili ng kanilang mga paninda, at nang pauwi na sila ay tinambangan sila ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Bgry. Palca.

Nagtamo ng tatlong bala ng baril sa leeg, ulo at likod ang biktima.