TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa ng kilos protesta ang Rights Watchdog na Karapatan, Women’s Group Gabriela at Rural Missionaries of the Philippines (RMP) bukas, araw ng Lunes matapos ibasura ng Court of Appeals ang Writ of Amparo at Habeas Data na kanilang inihain.

Ayon kay Jigs Clamor, Deputy Secretary General ng Karapatan, dismayado umano ang kanilang grupo sa Court of Appeals sa pagbasura sakanilang petisyon.

Aniya, hindi man lang umano binigyan ng pagkakataon ang kanilang grupo na iprisinta ang kanilang ebidensiya bago ito binigyan ng desisyon.

Sinabi ni Clamor na hindi umano basta-basta ang kanilang petisyon dahil dumaan sa masusing dokumentasyon ang lahat ng kanilang inakusahan.

Bukod sa gagawing kilos protesta, sinabi ni Clamor na kukuwestyonin din umano ng kanilang grupo sa Supreme Court ang ginawang pagbasura sa kanilang petisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sakabila ng hindi pagdinig sa kanilang petsiyon sinabi ni Clamor na patuloy parin ang gagawing paglantad at pagtutol sa ginagawang paglabag sa karapatang pantao.