Itinakda bukas, September 15 ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang deadline para sa paglilinis ng anumang obstruction sa mga kalsada.

Mas maaga ito sa itinakda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na September 29 deadline ng 60-day road-clearing operations sa buong bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, kumpiyansa si Mayor Jefferson Soriano na makakasunod ang lungsod sa naturang deadline ng DILG, kung saan simula September 16 ay sapilitan at pagmumultahin ang mga lalabag sa kautusan.

Sapat na rin aniya ang panahon na naibigay sa mamamayan sa pagbabaklas ng mga nakasagabal sa mga kalsada gaya ng pwesto ng mga illegal vendor, maging ang mga nakatira malapit sa mga kalsada at iligal na naka-park na sasakyan.

Nagbabala rin ang alkalde laban sa mga pasaway na walang palalagpasin sa oras na lumabag sa naturang kautusan.

-- ADVERTISEMENT --