TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyang isinasagawa ang tatlong araw na road show may kaugnayan sa Constitutional Reform on Federalism sa probinsiya ng Batanes na nagsimula kahapon, araw ng Martes, Nobyembre 5.

Ayon kay Oliver Baccay ng Philippine Information Agency (PIA)-Region 2, unang hinarap ni Dr. Virgilio Bautista, member ng Consultative Committee on Federalism ang mga liga ng Brgy at SK federation president maging ang ilang Civil Society Organization official ng Batanes.

Aniya, inalam ni Bautista ang mga problema ng bawat sektor at binigyan niya ito ng linaw.

Sinabi ni Baccay na batay sa survey na ginawa ng Department of Interior ang Local Government (DILG), maraming opisyal maging ang mga residente ang mabigat ang pag-intindi sa pag-aaral sa konsepto ng pederalismo.

Dahil dito, sinabi ni Baccay na tinalakay ni Bautista ang constitutional reform sa mga opisyales kung saan kanyang sinabi na marami ang mababago at mas uunlad ang Batanes kung maipapatupad ang nasabing panukala.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Baccay na ilang aktibidad pa ang nakalinyang gagawin ng kanilang grupo kung saan pupulungin pa ang lahat ng mga residente ng Basco, Batanes para ipaliwanag ang kahalagahan sa pagpapatupad ng pederalismo sa bansa.

Samantala, sinabi ni Baccay na magkakaroon ng isang araw ang kanilang grupo na maglibot sa mga residente sa basco maliban sa tatlong araw na gagawing actual na programa.