Pangngunahan ng Department of Trade and Industry ang isang roadshow na naglalayong magbigay kaalaman sa mga contractors kaugnay sa pagkuha ng lisensya sa pakikipagtulungan sa Philippine Contractors Accreditation Board.
Ayon kay Serafin Umoquit, Consumer Protection Unit Head ng DTI Regional Office 2 na nais ipaalam sa mga contractors ang kahalagahan ng lisensya sa pagpasok sa isang kontrata o paggawa ng infrastructure projects para sa kanilang proteksyon, hindi lamang sa ginagawan nila ng proyekto.
Tatalakayin sa naturang roadshow ang mga kailangang dokumento at tamang ahensya na pupuntahan ng mga contractors sa pagkuha ng lisensya.
Sinabi ni Umoquit na trabaho naman ng DTI na suriin kung nakakasunod sa standards ang mga construction materials ng mga contractors na gumagawa ng isang proyekto.
Gaganapin ang roadshow sa Santiago City, Isabela sa June 25 hanggang 27 na inaasahang lalakuhan din ng mga contractors.