Umaasa si Robert Busania ng Department of Agriculture Region 2 na mas marami pa ang makikiisa na mga farmers cooperatives at associations sa ‘Murang bigas 19’ program.

Ito ay matapos na ilunsad na rin dito sa Region 2 ang nasabing programa nitong July 22, kung saan isang kooperatiba mulasa Solana, Cagayan ang nagbenta ng bigas na P29 per kilo.

Kasabay nito, tiniyak ni Busania na ang ibinentang bigas ng kooperatiba ay bago at hindi luma.

Sinabi niya na ito ang napagkasunduan nila sa sa isinagawang pulong, kung saan kailangan na tiyakin ng mga nagnanais din na magbenta ng murang bigas na tiyakin na maganda ang kalidad nito.

Samantala, sinabi ni Busania na hanggang 10 kilos lamang ang maaaring bilhin sa murang bigas upang matiyak na ito ay para sa konsumo lamang sa pamilya at hindi muling ibebenta sa mas mataas na presyo.

-- ADVERTISEMENT --