Ginagamit na ngayon ang mga robots para magluto hanggang sa magserve o magdala ng mga pagkain ng mga atleta sa nagpapatuloy na 2022 Beijing Winter Olympics sa China.
Ayon kay Bombo International Correspondent Maureen Moran, isa ito sa close loop system na ipinatutupad ng mga organizers upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga atleta, coaches at mga staff sa multi-sporting event.
Sinabi ni Moran na bukod pa ito sa paghihigpit sa mga kalahok at mga staff na dapat ay bakunado kontra COVID-19 at ang hindi pagpapalabas sa mga ito na nasa loob ng tatlong village kung saan ginaganap ang mga sports event hanggang matapos ang palaro.
Samantala, nagpahayag ng suporta ang Philippine Consulate General ng Guangzhou sa nag-iisang pambato ng bansa na si Pinoy skiier Asa Miller na sasabak sa torneo sa Pebrero 13.