
Isang robotic face na nakakapag-lip sync at kayang gayahin ang kilos ng mukha ng tao ang nabuo ng ilang engineers sa Columbia University sa Amerika.
Sinabing sa pamamagitan ng AI-generated na kanta, kaya ng robot na ibuka ang bibig nito para sabayan ang kanta.
Kaya ring igalaw ng robot ang mukha nito para maging natural ang pagsasalita o pagkanta.
Sinabi ng mga gumawa ng robot na sa pamamagitan ng proyekto, mas magiging maayos at madali ang komunikasyon ng mga tao at robot sa hinaharap.










