
Tanging ang Rolls Royce Cullinan na pagmamay-ari ng mag-asawang conctractor na sina Cezarah “Sarah” at Pacifico “Curlee” Discaya mula sa 10 na kinumpiskang luxury vehicles ang naibenta ng Bureau of Customs ngayong araw.
Ito ang ikatlong pagkakataon na isinailalim sa auction ang mga nasabing sasakyan matapos ang dalawang bigong pagsusubasta.
Naibenta ito sa Igorot Stone Kingdom, kung saan nagsilbing kinatawan si Pio Velasco sa P29,026,000 mula sa floor price nito na P29,025,132.58.
Sa 10 sasakyan, walo ang pagmamay-ari ng Discayas habang ang dalawa ay pagmamay-ari ng dalawang daguyan.
May nakuhang benta na P29,042,140, kabilang ang registration fees ng mga bidders sa mga auction ng mga nasabing sasakyan.
-- ADVERTISEMENT --









