Nagpaabot ng pakikiramay si dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa pagpanaw ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr., na tinawag niyang isa sa matibay na haligi ng demokrasya at “amang pampolitika” ng Lakas-CMD.

Pumanaw si De Venecia noong Pebrero 10, 2026, sa edad na 89.

Binigyang-diin ni Romualdez ang ambag ni De Venecia sa pagbuo ng Lakas-NUCD, ang kanyang “Rainbow Coalition” para sa pagkakaisa ng bansa, at ang papel nito sa interfaith dialogue at pandaigdigang kapayapaan.

Pinuri rin niya ang mentorship ni De Venecia sa maraming mambabatas.

Nagpaabot siya ng pakikiramay sa pamilya, partikular kay Rep. Gina de Venecia at dating Rep. Christopher de Venecia, at idiniin na mananatiling buhay ang pamana ni De Venecia sa Lakas-CMD at sa mga lingkod-bayan.

-- ADVERTISEMENT --