Inihayag ng dating kinatawan ng Ako Bicol, si Zaldy Co, na banta sa kanyang buhay ang natanggap niya mula kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y kaniyang kaalaman sa kontrobersyal na flood control projects.

Ayon sa pahayag ni Co, nagsimula ang pagbabanta noong Marso 2025 sa isang pulong, at sinabing maaaring mapahamak siya kapag bumalik sa Pilipinas.

Ayon sa kaniya, nagpatuloy ang banta sa pamamagitan ng mga tawag at mensahe, na nagdulot sa kaniya ng pangamba sa kaniyang kaligtasan.

Idinagdag ni Co na ang kabuuang halaga ng umano’y kickbacks mula sa mga anomalous infrastructure projects ay umabot sa P56 bilyon, na diumano’y napunta sa Pangulo at kay Romualdez.

Ipinahayag din ni Co na handa siyang magbigay ng karagdagang detalye sa mga susunod na araw at humingi ng paumanhin sa publiko at sa kaniyang pamilya, paliwanag na ang perang dumaan lamang sa kanya at naipadala sa mga nabanggit na opisyal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag mula sa Malacañang o sa kampo ni Romualdez hinggil sa alegasyon ni Co.