Iniutos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Bureau of Immigration (BI) na ilagay sa immigration lookout si dating presidential spokesperson Harry Roque at 11 pang “persons of interest” in the illegal Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa Porac, Pampanga.
Sa memorandum, ipinag-utos ni Remulla kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na subaybayan ang itineraries, biyahe at kinaroroonan ni Roque at iba pang indibidual na may kaugnayan sa mga kaso laban sa illegal Pogo incorporators at corporate officers ng Lukcy 99 at Whirlwind Corp.
Kaugnay nito, sinabi ni Roque na ang immigration lookout bulletin order (Ilbo) laban sa kanya ay isang “harrassment” at may motibong pulitika na may layunin na patahimikan umano siya bilang kritiko ng Marcos administration.