Ibinahagi ni Atty. Harry Roque na naghain na siya ng asylum sa Netherlands.

Sinabi ni Roque na nakapag-apply na siya ng asylum at hinihintay na lamang niya ang interview.

Dagdag pa niya, hindi na raw siya pupwedeng pabalikin sa Pilipinas dahil bahagi raw ito ng karapatan niya bilang asylum seeker.

Matatandaang may arrest order si Roque matapos ang hindi pagdalo sa House inquiry para sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Ang pagiging “asylum” ay isang legal na proseso kung saan naghahain ng proteksyon at karapatang manatili sa ibang bansa ang isang indibidwal na nangangamba sa “persecution” at human rights violations sa sarili niyang bansa.

-- ADVERTISEMENT --