Inihayag ng National Bureau of Investigation na may natanggap sila hindi kumpirmadong impormasyon na umalis ng bansa si dating presidential spokesperson Harry Roque.

Tugon ito ni NBI Director Jaime Santiago sa naging press conference ni Vice President Sara Duterte noong Sabado na nagbigay siya ng pahiwatig na umalis ng bansa si Roque.

Si Roque ay may arrest order mula sa Kamara matapos na tumangging sumipot sa mga pagdinig may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at hindi pagsusumite ng mga dokumento tungkol sa kayamanan ng kanilang pamilya.