Naging maayos umano ang unang rotation and resupply (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre sa West Philippines Sea, kasunod ng “understanding” sa China tungkol sa mga katulad na biyahe sa Ayungin Shoal.
Iniulat ng Department of Foreign Affairs ang development na ito at sinabing natuloy ang Rore mission ngayong araw na ito.
Sinabi ng DFA na ang maayos na Rore mission ay dahil sa professonalism ng mga tauhanng Philippine Navy at Philippine Coast Guard, at maging ang koordinasyon sa National Security Council, Department of National Defense, at DFA.
Matatandaan na nitong July 21, sinabi ng DFA na na nagkaroon ng “understanding” ang Pilipinas at China para sa provisional arrangement para sa Rore missions sa mga tropa ng bansa na nakatalaga sa BRP Sierra Madre.
Hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang DFA subalit sinabi na narating ang understanding matapos ang talakayan sa pagitan ng dalawang bansa sa 9th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea na isinagawa sa Manila noong July 2.