Hinikayat ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga Katoliko na magdasal ng Rosaryo dahil sa agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Ang “Rosary Campaign” ay magsisimula sa Hunyo 27 at ito ay magtatapos ng hanggang Agosto 15 o ang kapiyestahan ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.
Hinikayat din ni Villegas ang mga tao na sa nasabing panahon ay dapat magnilay-nilay din sila at tumulong sa mga mahihirap.
Ikinabahala rin ng dating pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines ang ginagawang agresibong hakbang ng China na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga manginigsda at pagkasira ng karagatan.
Nanawagan din ito sa mamamayan na ipagtanggol ang bansa at sa mga militar na magpatrolya sa karagatan ng bansa para maprotektahan ang mga mangingisda.
Marapat din aniya na magsagawa ang mga mambabatas para mapanagot ang mga nasa likod ng nagpapahamak ng national security at interest ng bansa.