Tuguegarao City- Tiniyak ng Roxas, Isabela District Jail ang mahigpit pagpapatupad ng mga panuntunan upang maiwasang makapasok ang virus sa kanilang tanngapan.
Sa panayam kay JSI Mark Anthony Saquing, Warden ng nasabing tanggapan, hindi muna sila tumatanggap ng dalaw para maiwasan ang banta ng COVID-19 sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Dahil dito, ginagamit aniya nila ang e-dalaw at e-tawag upang makumusta pa rin ng mga ito ang kanilang mga mahal sa buhay.
Paliwanag niya, may kanikanyang tungkulin ang mga personnel ng district jail kung saan ang mga miyembro response team ang bahalang tumugon sa lahat ng kakailanganin sa loob ng kulungan.
Sila na rin ang nakatalagang makipag-ugnayan para sa mga bagong dating na mga PDL kung saan hinahanap ang mga kaukulang dokumento tulad ng medical results at isinasailalim din sila sa rapid testing.
Tiniyak naman nito na may isolation facilities ang kanilang tanggapan para sa lahat ng bagong pasok na PDL.
Sinabi niya na hindi rin maaaring lumabas ang mga tauhan ng district jail na nasa loob dahil sakaling man ay isasailalim sila sa mandatory 21 day quarantine.
Tiniyak din ni Saquing na may nakatalangang mga nurse na nag-iikot at nag momonitor sa kondisyon ng mga PDL sa loob ng bilangguan laban pa rin sa banta ng sakit.