Tuguegarao City- Pinasinayaan ng Provincial Government ng Cagayan ang bagong tayong Regional Task Force Ending Local Communist Armed Conflict(RTF-ELCAC) operation center.
Mandato ng naturang tanggapan na ipatupad ang mga alituntunin kaugnay sa inilabas na Executive Order 70 ni pangulong Rodrigo Duterte na layuning mawakasan ang problema sa usapin ng insurhensiya.
Sa pahayag ni Gov. Manuel Mamba, Chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC), ito ang magsisilbing gabay sa pagbibigay ng mga impormasyon na sa mga programa na may kinalaman sa Terorist and Armed Conflict.
Kabilang sa magiging bahagi ng naturang tanggapan ay ipaabot ang mga serbisyo at programa ng gobyerno tulad ng E-CLIP At Amnesty Program, poverty reduction at iba pa sa mga sumusukong miyembro ng makakaliwang grupo.
Nanawagan naman ang gobernador sa lahat na makipagtulungan sa kampanya at programa ng pamahalaang panlalawigan upang wakasan ang problema sa insurhensiya sa Cagayan.
Samantala, anumang oras ay nakatakdang dumating si Labor Sec. Silvestre Bello III upang opisyal na pangunahan ang pagbubukas ng naturang Center.