Ibinunyag ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na may dala umano siyang mobile phone sa loob ng kulungan sa buong panahon ng kaniyang pagkakakulong, taliwas sa pahayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi sa kanilang pasilidad kuha ang larawan ng vlogger habang gumagamit ng cellphone.

Sa YouTube video ng streamer na si Adin Ross, sinabi ni Vitaly habang nakasuot ng BJMP t-shirt na binayaran niya umano ang ilang guwardiya upang mapuslit ang kanyang phone at magawa ang anumang gusto niya.

Matatandaang 3 opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang sinibak matapos matuklasang nakapag-record pa rin ng video content ang Russian vlogger habang siya ay nakadetine at nakumpiska rin ang ilang cellphone kaugnay ng insidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang tukuyin kung may iba pang opisyal na nagpabaya o sangkot sa insidente.