Nakatakdang bumisita sa North Korea si Russian President Vladimir Putin.

Ang nasabing pagbisita ay siyang kauna-unahan sa loob ng 24 na taon.

Noong nakaraang Setyembre ay binisita ni North Korea lider Kim Jong Un ang Russia kung saan inimbitahan niya si Putin na bumisita rin sa kaniyang bansa.

Huling bumisita kasi si Putin sa Pyongyang ay noon pang Hulyo 2000.

Maaring lagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan sa usapin ng seguridad at ang pagpapatatag ng samahan ng dalawang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Ilan sa mga delegado na kasama ni Putin ay sina Russian Defense Minister Andrei Belousov, Foreign Minister Sergei Lavrov at Deputy Prime Minister Alexander Novak.

Matapos ang North Korea ay bibisita si Putin sa Vietnam mula Hunyo 19-20.

Magugunitang lantaran na ipinapakita ng Russia ang relasyon nito sa North Korea mula pa noong magsimula nilang atakihin ang Ukraine.

Ikinabahala ito ng US dahil sa inakusahan nito ang North Korea na nagsusuplay ng mga armas sa Russia para panlaban sa Ukraine.

Maging ang South Korea ay nabahala sa mahigpit na relasyon ng North Korea at Russia dahil sa palalakasin nila tiyak ang kanilang mga armas na siyang paglabag sa United Nations resolutions.