Nasa Hanoi, Vietnam na si Russian President Vladimir Putin, ang ikalawa niyang pagbisita sa kanyang East Asian tour.
Ito ay matapos ang kanyang pabisita sa North Korea at nakipagpulong kay President Kim Jong Un.
Layunin ng kanyang pagbisita na palakasin ang economic ties sa palakaibigang mga bansa at ipakita na walang epekto ang pagsasantabi sa kanila ng mga kanlaruning bansa.
Binatikos naman ng tagapagsalita ng US Embassy sa Vietnam ang dalawang araw na pagbisita ni Putin sa bansa.
Binigyan diin ng embahada na hindi dapat na binibigyan ng platform si Putin para sa kanyang pagsusulong ng giyera.
Makikipagpulong si Putin sa mga lider ng Vietnam na kinabibilangan nina Communist Party General Secretary Nguyen Phu Trong at bagong President To Lam.
Bago ang pagbisita ni Putin, pinasalamatan niya ang Vietnam sa “balanced position” nito sa giyera ng Russia sa Ukraine.