Maaari umanong litisin ng International Criminal Court si Russian President Vladimir Putin dahil sa marami nitong paglabag sa International Humanitarian Law kasabay ng nagpapatuloy na paglusob nito sa Ukraine.

Ayon kay Atty. Arnedo Valera, International Law Expert, malinaw na nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pagbomba sa mga hindi legit military targets tulad ng mga straktura, clinics, TV Towers at iba pa na nagresulta sa pagkakasawi ng mga inosenteng sibilyan sa Ukraine.

Sinabi ni Valera na dahil dito ay maaaring litisin si Putin sa kasong war criminal dahil sa hindi makatarungang paglusob at paraan nito ng pakikipaglaban.

Sa kabila nito ay sinabi niya na patuloy pa rin ang pagsuporta ng NATO at ng US maging ng ibat ibang mga bansa sa ukraine sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga military weapons na magagamit ng kanilang mga sundalo .

Kaugnay nito, sinabi ni Valera na sa direct confrontation na isinasagawa ay hindi maaaring makialam ang american troops dahil sakali man ay ito na ang magsisilbing hudyat ng deklarasyon ng world war 3.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, malaki din aniya ang maitutulong ng ipinataw na economic sunction ng maraming mga bansa laban sa russia dahil sa ngayon ay nakakaranas na ito ng economic meltdown kung saan maituturing ng isolated ang russia.

Dahil dito ay apektado na rin ang mga banko, pangunahing kalakalan at maging ang mga mayayaman na kaalyado ni Putin sa Russia ay umaalma na rin at nagpapahayag ng pagtutol sa paraan ng pakikipaglaban ng kanilang presidente.

Kung sasabayan pa aniya ng sama-samang pagkondena at pagdami ng mga nagsasagawa ng kilos protesta tulad ng mga anti-war activist ay lalo pang hihina ang puwersa ng Russia.

Saad niya, malakas lamang ang loob ni Putin na maglunsad ng ganitong uri ng pag-atake dahil hawak nito ang pinaka malakas na nuclear arsenal sa buong mundo.

Gayonman, naniniwala si Valera na sa pamamagitan ng pagkakaisa at mabuting pakikipag-usap ay mawawakasan ang nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa.