Nahati ang isang Russian tanker sa dagat na may lulan na libu-libong tonelada ng oil products sa kalagitnaan ng malakas na bagyo kahapon, na nagbunsod ng pagtagas ng langis sa Kerch Strait, habang isa pang tanker ang nasira.
Ang dalawang barko ay nasa Kerch Strait sa pagitan ng mainland Russia at Crimea, na idinugtong ng Russia mula sa Ukraine noong 2014, nang magpadala sila ng distress signals.
Binuksan ng Russia ang imbestigasyon sa dalawang kasong kriminal sa posibleng safety violations matapos na isa ang namatay nang mahati sa dalawa ang 136-metre Volgoneft 212 tanker, na may lulan na 15 katao.
Ang ikalawang Russian-flagged ship, ang 132-meter Volgoneft 239 ay nagtamo din ng pinsala, at ito ay may lulan na 14 katao.
Ang Kerch Strait ay mahalagang ruta para sa exports ng grain ng Russia at ginagamit din sa exports ng crude oil, fuel oil at liguified natural gas.
Ayon sa emegerncy ministry ng Russia, nakikipag-ugnayan na ang rescue teams sa mga lulan ng mga nasabing barko upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Ipinag-utos naman ni Russian President Vladimir putin ang bumuo ng working group para sa rescue operation at tugunan ang impact ng pagtagas ng langis.
Ayon sa Russia, mahigit 50 katao at equipment, kabilang ang Mi-8 helicopters at rescue tugboats, ang ipinadala sa nasabing lugar.