Ibinalik sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy.

Ito ay matapos na makapaglagak ng piyansa ang dayuhan sa mga kasong kinahaharap kabilang ang unjust vexation na isinampa sa Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153.

Pero kahit nagpiyansa, hindi pa rin pa rin tuluyang makakalaya si Zdorovedskiy.

Dahil naman ito sa kaniyang kinakaharap na deportation case.

Ayon sa Immigration, nasa Custodial Facility ngayon si Vitaly sa Camp Bagong Diwa sa Taguig city.

-- ADVERTISEMENT --

Noong June 11 nang ilipat sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang dayuhang vlogger.