Negatibo sa HIV ang Russian vlogger na si Nikita Chekhov matapos sumailalim sa medical tests ng Department of Health at Bureau of Immigration (BI), kasunod ng kanyang viral na pahayag na magpapakalat umano siya ng HIV sa Metro Manila.

Ayon sa BI, ang ginawa ni Chekhov ay “rage-bait” na nagdulot ng takot sa publiko at itinuturing na dahilan upang ideklarang undesirable alien, na maaaring humantong sa kanyang deportasyon at blacklisting sa Pilipinas.

Sinabi ng BI na ang pananatili ni Chekhov sa bansa ay nakakasama na sa public order at public safety.

Hinihintay pa ng ahensya ang desisyon ng Department of the Interior and Local Government kung may ihahaing lokal na kaso laban sa vlogger.

Iginiit naman ni Chekhov na wala siyang HIV at ginawa lamang niya ang video para makakuha ng atensyon online, bagama’t inamin niyang nauunawaan na niya ngayon ang mga alituntunin at pamantayan sa paninirahan sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --