Hinuli ng mga awtoridad ng Bureau of Immigration ang isang Russian National, na nakapukaw sa atensyon ng publiko matapos ang kanyang videos sa social media na sinabi niyang balak niyang magpakalat ng HIV habang siya ay nasa Metro Manila.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, hinuli ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration si Nikita Chekhov sa loob ng condominium building sa Quezon City.

Nag-upload si Chekhov ng videos na kuha sa Bonifacio High Street sa Taguig.

Sa mga videos, may mga sinabi siya na nagbunsod ng alarma at alalahanin sa publiko.

Kalaunan ay itinuring ng mga awtoridad ang content ng video na “rage-bait” material.

-- ADVERTISEMENT --

Dumating sa bansa si Chekhov noong Enero 15 bilang isang turista.

Siya ay native ng Taganrog, Rostove Oblast, Russia, pumasok sa bansa mula sa Shanghai, China at wala siyang kamag-anak sa bansa.

Sinabi ni Viado na posibleng maharap si Chekhov sa deportation.

Kasalukuyang nasa detention facility ng Bureau of Immigration si Chekhov habang ginagawa na ang mga proseso para sa kanyang deportation.

Idinagdag pa ng Immigration officials na ipinalaam nila sa Department of Health ang kaso ng nasabing dayuhan.