TUGUEGARAO CITY-Pinalawak ang saklaw ng panukalang ordinansa na naglalayong patawan ng parusa ang mga magulang na pinagmamaneho ang mga menor-de-edad na anak sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Councilor Atty. Reymund Guzman,chairman ng Committee on Laws hindi na lamang ang mga magulang ang maaaring parusahan dahil maging ang mga nagmamay-ari ng mga establishimento na pinagmamaneho ang mga menor-de-edad ay paparusahan na rin.

Maging ang mga ang mga guardian ng mga menor-de-edad ay papatawan ng parusa dahil hinahayaan ang mga menor-de-edad na magmaneho.

Naidagdag ang mga nasabing probisyon ng nasabing ordinansa nang magkaroon ng public hearing ukol dito.

Aniya, mahigpit na ipatutupad ng LTO, PNP, traffic enforcer at iba pang law enforcement unit ang nilalaman ng umiiral na batas.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, bawal na rin na magmaneho ang mga student permit lamang ang hawak na lisensiya kung walang kasamang professional license holder.