Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga government employees sa karagdagang 60-days na extension para i-file ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Ayon kay CSC Regional Director Nerissa Canguilan na batay sa memorandum circular, ang mga opisyal at kawani ng gobyerno ay kinakailangang magsumite ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) hanggang sa Hunyo 30 ngayong taon.
Mayroon namang hanggang August 31, 2020 ang mga ahensiya ng gubyerno na isumite ang mga forms ng SALN sa Ombudsman at CSC.
Ang SALN ay taunang isinusumite ng mga nagta-trabaho sa gubyerno na nagsasaad sa kanilang yaman at ari-arian alinsunod sa itinatakdang polisiya ng pamahalaan.
Maituturing na paglabag sa batas ang hindi paghahain ng SALN na maaaring maging dahilan para matanggal sa serbisyo ang isang empleyado o opisyal ng gobyerno.