Kinumpirma ni Sam Milby na hiwalay na sila ni Catriona Gray.

Matapos ang halos isang taon na mga espekulasyon mula sa mga fans at netizens, sinabi ng aktor na hiwalay na sila ni Gray, at maayos naman umano silang dalawa.

Ayon sa kanya, naka-focus siya ngayon sa kanyang trabaho.

Nilinaw din niya na hindi third party si singer Moira dela Torre sa kanilang break-up ni Gray.

Binigyang-diin ni Milby na walang katotohan ang tsismis na nagkakamabutihan sila ni Torre.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, masyado kasi silang malapit sa isa’t isa ni Torre, kaya maaaring pinaghihinalaan na mayroon silang relasyon.

Inilabas nina Milby at Gray ang kanilang relasyon noong 2020, at engaged sila noong 2023.

Nitong nakalipas na taon, napansin ng isang netizen na hindi suot ni Gray ang kanyang engagement ring sa kanyang mga pinakahuling mga posts.

Lalong lumakas ang mga tsismis na hiwalay na sila ni Milby nang tanggalin niya ang engagement photos nila ng aktor.